Cielo's POVIsang mahinang pagyugyog sa aking balikat ang nagpagising sa diwa ko. Magaan at puno ng pag-iingat ang pagyugyog nito kaya dahan dahan kung imulat ang aking dalawang mga mata. "Cielo? Iha, gumising kana" Hindi ko paman tuluyang naibukas ang talukap ng aking mga mata narining ko na agad ang boses ni Yaya Silly. "Ya-yaya?" Garalgal ang boses na sabi ko. "Pasensya kana iha, kung kailangan kung istorbuhin ang pagtulog mo. Gusto ko kasing bago ako umalis magpapaalam muna ako sayo" Nanlaki ang matang napabangon agad ako."Aalis kayo? Bakit naman po Yaya??" Sunod sunod na tanong ko. Ngumiti ito at umupo sa kama katabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko saka nagsalita ulit. "May kailangan akong uwiin ng pilipinas sandali iha. Subalit wag kang mag alala dahil hindi naman ako magtatagal talaga doon. Mahigit isang linggo lang ako tapos babalik rin naman ako rito" Dahil sa sinabi ni Yaya Silly parang nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako kanina sa pag-aakalang baka may nagawa ako d
Read more