Kung hindi lang dahil sa parehong pangalan, siguro kahit papaano ay komportable ako, kaso hindi, dahil iisa sila ng pangalan, ngayon halos naiipit ang hininga ko, napatingin ako sa lalaking nasa loob ng sasakyan.Pero gaya kanina, parang anino lang ang nakita ko.Hindi ko pa rin siya malinaw na nakikita, parang sinasadya ng dilim na itago siya.Mabilis kong itinago ang nanginginig kong mga kamay sa likod ko.Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may gustong kumawala.Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko…Parang malapit nang mabunyag ang pinakamalaki kong sikreto.At natatakot ako, hindi sa kanya, kundi sa kung anong mangyayari kapag nalaman niya na anak niya ang dinadala ko. “Thank you…” mahina kong sabi.Hindi ko na hinintay ang sagot.Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya.Pagdating ko sa gate ng Villareal ancestral mansion, napahinto ako sandali.Napakaliwanag, napapailing na lang ako dahil talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Parang walang lugar ang dilim
Huling Na-update : 2026-03-21 Magbasa pa