LOGINAkala ni Seraphina Alvarado natagpuan na niya ang perpektong buhay nang pakasalan niya si Adriano Villareal, ang makapangyarihang CEO ng Villareal Group. Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan sa IVF treatments, tiniis niya ang lahat para lang mabigyan ang asawa niya ng anak. Pero sa araw na nalaman niyang buntis na siya, aksidente niyang narinig ang isang pag-uusap na tuluyang sumira sa mundo niya. Hindi pala kailanman gustong magkaroon ng anak ni Adriano sa kanya, hindi sa kanya. Gusto lang nitong gamitin ang sinapupunan niya. Para dalhin ang anak nito at ng babaeng tunay nitong mahal—si Vittoria Salcedo. Sa kanila, si Seraphina ay walang iba kundi isang breeding machine. Basag ang puso at puno ng galit, bumalik siya sa ospital para alamin ang buong katotohanan, pero mas malala pa ang nadiskubre niya. Ang batang dinadala niya sa sinapupunan… Ay hindi anak ni Adriano Villareal. Dahil sa isang medical mistake, ang ama ng batang iyon ay si Cassian Monteverde—cold-hearted at makapangyarihang billionaire heir ng Monteverde empire. Niloko ng asawa. Pinahiya ng pamilya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na iiyak si Seraphina, lalaban siya. At siya mismo ang mang-iiwan. Divorce ang susi niya, at palalakihin niya ang anak niya. At balang araw… Pagsisisihan ng lahat ang ginawa nila sa babaeng akala nila ay kaya nilang sirain.
View MoreThe air-conditioning inside the fertility clinic hummed softly, malamig at sterile ang hangin na parang sinasadyang pakalmahin ang kaba ng mga pasyente. Sa labas ng floor-to-ceiling window ng clinic sa Villareal Medical District sa Makati isa pagmamay-ari ng pamilya ng asawa ko. Kita ko ang traffic lalo na’t tanghaling tapat, ang mga jeep, taxis, at mga office workers na naglalakad para mag-lunch break.
Pero sa loob ng maliit na consultation room na iyon, parang ako lang ang tao sa mundo.
Nakaupo ako sa harap ni Dr. Emiliano Vergara, mahigpit ang hawak ko sa ultrasound report na kakabigay lang niya sa akin.
Ngumiti siya habang binabasa ang chart sa tablet niya.
“Mrs. Villareal,” sabi niya. “It seems your IVF attempt was very successful this time.”
Parang tumigil ang paghinga ko.
Successful.
Ang salitang ‘yon ang anim na buwan ko nang hinihintay.
“Currently,” dagdag niya habang tinitingnan ang report, “both you and the fetus are healthy.”
Unti-unting lumuwag ang dibdib ko.
Pakiramdam ko may malaking bato na biglang nawala sa puso ko. Hindi ko napigilan ang maliit na ngiti na sumilay sa labi ko.
“That’s wonderful…” mahina kong sabi. “Hindi pala nasayang yung dalawang IVF attempts ko.”
Sa isip ko, bumalik ang alaala ng unang IVF procedure.
Ang sakit ng injections! Kagaya rin ng mga Nanay na gustong magkaroon ng sariling anak, isa ako sa mga may kaba habang hinihintay ang result palagi.
At ang pakiramdam na parang gumuho ang mundo ko nang sabihin ng doctor na failed ang implantation.
Hindi ko sinabi iyon kay Adriano, ang asawa ko.
Natakot akong makita ang lungkot sa mga mata niya.
Kaya palihim akong bumalik sa hospital at nagpa-schedule ng second emergency IVF transfer nang hindi niya alam.
At ngayon, finally!
Success na!
Tumayo ako mula sa upuan ko, hawak pa rin ang ultrasound report na parang pinakamahalagang bagay sa mundo. Syempre mundo naming dalawa ni Adriano, hindi magtatagal ilang buwan lang ang tiis at tiyaga ng pregnancy journey kong ito, kapag lumabas na ang munting anghel na magpapaligaya saming dalawang mag-asawa, alam ko… siya na ang magiging mundo namin.
Pero bago ako makalabas ng pinto, naalala ko ang isang bagay.
“Doc,” sabi ko, bahagyang nag-aalangan. “Pwede pong pakiusap? Please… huwag niyo pong sabihin kay Adriano na nag-fail yung first IVF attempt ko.”
Napatingin si Dr. Vergara sa akin, I know he is close to my husband, pero kailangan ko siya para itago ang mga kailangan kong itago sa journey kong ito.
“I just—I don't want him to feel sad about something that already happened.” kilala ko ang asawa ko, iisipin niya na mahirap ang pinaghirapan ko tapos wala siya sa tabi ko para icomfort siya. Bagay na ayaw kong maramdaman niya dahil nalagpasan ko naman na.
Biglang pumasok sa isip ko ang araw na sinabi ng doctor na blocked ang pareho kong fallopian tubes.
Pakiramdam ko noon ay katapusan na ng lahat.
Pero si Adriano, hinawakan niya ang kamay ko.
“Don’t be afraid,” sabi niya noon, malumanay ang boses. “Medical technology is advanced now. We can still do IVF, and I’ll be with you.”
Maging ang doktor noon ay napangiti. “Your husband is very considerate.”
Kaya para sa akin… kung dalawang IVF procedures lang ang kailangan kong pagdaanan para magkaroon kami ng anak, alam kong bandang huli magiging worth it din.
Everything was worth it.
Paglabas ko ng clinic, sumakay ako ng Grab papunta sa Villareal Group headquarters sa Taguig.
Hindi ko kayang maghintay hanggang gabi para sabihin kay Adriano ang balita.
Habang nasa biyahe ako, tinitingnan ko ang maliit na ultrasound picture sa phone ko.
Hindi ko napigilan ang pagngiti.
Magiging tatlo na tayo…
Pagdating ko sa building, tahimik ang floor ng executive offices.
Lunch break kasi, kaya halos walang tao sa hallway.
Huminto ako sa harap ng pinto ng opisina ni Adriano.
Hindi ito tuluyang nakasara. Itataas ko pa lang sana ang kamay ko para kumatok nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa loob.
“Adriano,” sabi ng boses na iyon, may halong amusement. “Bro, that’s quite a shrewd move.”
Napakunot ang noo ko.
Boses iyon ni Leandro, ang matalik na kaibigan ng asawa ko.
“What move?” nagtataka pang tanong ni Adriano.
“At making your wife pregnant for Vittoria?” dagdag niya. “If she finds out that the baby she’s carrying is actually yours and Vittoria’s child, hindi ba siya magwawala? Sa tingin mo ba hindi magkakagulo?”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.
Nanigas ang kamay ko sa hangin.
Ano?!
Biglang tumawa si Adriano mula sa loob.
Isang malamig na tawa na hindi ko kailanman narinig mula sa kanya. All this time, akala ko sincere siya.
“Magwawala?” sabi niya. “What right does she have to cause a scene?”
Parang tumigil ang mundo ko.
“If she hadn’t used tricks to force Vittoria away back then,” dagdag niya, “would Vittoria have broken up with me and gone abroad? She owes us that much.”
Unti-unti kong naramdaman na nanginginig ang katawan ko.
“Besides,” malamig niyang sabi, “it’s her honor to bear a child for me and Vittoria.”
Pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat. Unti-unti kong hinawakan ang tiyan ko.
Hindi pa ito halata.
Pero doon, alam kong may buhay na.
“Pero bro,” sabi ni Leandro, medyo nag-aalangan. “Six months na ring naghihirap si Seraphina dahil sa IVF…”
Mas lalong lumamig ang boses ni Adriano.
“Vittoria’s health isn’t good. She’s afraid of pain. We can’t let her suffer from pregnancy, can we?” Huminto siya sandali. “Besides… hasn’t Seraphina always wanted to have my child?” huminto pa ito saglit, saka nagsalita. “My child with Vittoria is still my child.” dagdag pa niya bagay na halos napapikit ako.
Parang may pumipiga sa puso ko.
“Adriano,” sabi ni Leandro, “this is really ruthless.”
“Don’t say I’m heartless,” sagot ni Adriano. “After she gives birth, I’ll give her money. As compensation.”
Tahimik ang opisina sandali.
Pagkatapos ay nagsalita muli si Leandro.
“What if—”
“Enough.” Putol agad ni Adriano. “Don’t let her find out. My child with Vittoria must not be harmed.”
Hindi ko maalala kung paano ako nakalayo doon.
Ang alam ko lang, nasa stairwell na ako.
Mahigpit akong kumapit sa railing habang nanginginig ang buong katawan ko.
Kung hindi ako kumapit, sigurado baka bumagsak na ako.
So this was the truth.
Ang anak na pinaghirapan kong mabuo, ay para sa asawa ko at sa kabit niya.
Isa lang pala akong breeding machine.
Napatawa ako nang mapait.
How ridiculous.
Lahat ng lambing, lahat ng pag-aalaga, lahat ng yakap ni Adriano ay purely acting lang pala.
Fake!
Everything was fake!
Pero biglang may pumasok na ideya sa isip ko.
Sandali.
Ang embryo na nasa akin ngayon ay galing sa second IVF attempt.
Kung ganoon…. Kanino galing ang embryo na ‘yon?
Napailing ako.
“No—no….”
Bigla akong bumaba ng hagdan.
“I need to go back to the hospital. I need to know the truth.” sambit ko sa sarili ko.
Pagdating ko sa clinic, diretsong tinungo ko ang opisina ni Dr. Emiliano Vergara.
Hindi nakalock ang pinto.
Pagbukas ko, narinig ko ang galit na boses niya.
“Do you realize what you’ve done?!”
Sa harap niya ay isang nurse na umiiyak.
Si Nurse Mireya Quintana.
“Doc… I didn’t mean to…” nanginginig niyang sabi. “First time ko po sa sperm bank… I misread the code, hindi ko po talaga sinasadya.”
Biglang tumigil si Dr. Vergara nang makita ako.
Namutla ang mukha niya.
Diretsong nagsalita ako.
“Dr. Vergara.”
“I don’t have time to listen to this.” sagot niya agad.
Unti-unti akong lumapit.
“Tell me the truth.”
Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko.
“Whose embryo… is in my belly?”
Namumutla ang mukha ng doktor.
“Mrs. Villareal… it’s a mistake.”
Tinuro niya ang nurse.
“She took the wrong sperm sample.”
Napalunok ako.
“Wrong sperm?”
Bigla siyang nagsalita.
“The sperm used for your embryo… doesn’t belong to Mr. Villareal.”
Huminto ang tibok ng puso ko.
“What?! What about the eggs?” Mahigpit kong sinabi, “If you lie to me again, I will sue this hospital until it shuts down!”
Iniabot niya ang isang dokumento.
“The sperm belongs to, Mr. Cassian Monteverde. The great CEO ng Monteverde Group.”
Ipinaliwanag niya ang lahat.
Ang aksidente, ang frozen sperm, at ang pagkakamali ng laboratoryo.
“So… the child you’re carrying is yours,” sabi niya. “But… it’s not your husband’s.”
Tahimik ang buong opisina.
Sa loob ng ilang oras…
Baliktad na ang buong buhay ko.
Akala ko kanina, Isa akong surrogate para sa asawa ko at kabit niya. Ngayon, malalaman kong ang batang nasa tiyan ko, ay anak ko sa isang estranghero.
Napatawa ako nang mahina.
“What kind of cruel joke is this…”
Naalala ko ang dalawang mukha ni Adriano.
Ang lalaking nagsabing, “Don’t be afraid. I’m here.” at ang lalaking nagsabing, “It’s her honor to bear a child for me and Vittoria.” gusto kong tumawa, ngayon manigas silang dalawa ng kabit niya!
Pagmulat ko ng mga mata ko, malamig na ang pakiramdam ko.
“Dr. Vergara,” sabi ko. Tumingin siya saglit sakin at yumuko. “No one must know about this.”
Tumango agad sila.
Paglabas ko ng clinic, isa lang ang malinaw sa isip ko.
Divorce.
Hindi na ako babalik sa pamilya Villareal.
At ang batang nasa tiyan ko, palalakihin ko ito kahit ako lang mag-isa.
Simula ngayon, I will live only for myself and my child.
Kung hindi lang dahil sa parehong pangalan, siguro kahit papaano ay komportable ako, kaso hindi, dahil iisa sila ng pangalan, ngayon halos naiipit ang hininga ko, napatingin ako sa lalaking nasa loob ng sasakyan.Pero gaya kanina, parang anino lang ang nakita ko.Hindi ko pa rin siya malinaw na nakikita, parang sinasadya ng dilim na itago siya.Mabilis kong itinago ang nanginginig kong mga kamay sa likod ko.Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may gustong kumawala.Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko…Parang malapit nang mabunyag ang pinakamalaki kong sikreto.At natatakot ako, hindi sa kanya, kundi sa kung anong mangyayari kapag nalaman niya na anak niya ang dinadala ko. “Thank you…” mahina kong sabi.Hindi ko na hinintay ang sagot.Agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya.Pagdating ko sa gate ng Villareal ancestral mansion, napahinto ako sandali.Napakaliwanag, napapailing na lang ako dahil talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Parang walang lugar ang dilim
“Someone just doesn’t want me to have a peaceful pregnancy.” Mahina pero matigas ang boses ko habang nakatingin ako kay Dr. Vergara.Hindi ko na kailangang magpanggap sa harap niya.Hindi na ako ‘yung babaeng clueless.Hindi na ako ‘yung madaling lokohin.Hindi na.Hindi ko mapigilang isipin ang katawan ko—ang tiyan kong puno ng pasa, ang balat na paulit-ulit tinutusok ng karayom araw-araw. Yung pagsusuka ko gabi-gabi, hanggang sa manghina ako, mahilo, mawalan ng gana sa pagkain.Paano ko hindi kamumuhian ang mga taong gumawa nito?Tahimik si Dok. Vergara, pero kita ko ang awa sa mata niya.“So… what are you planning to do now?” maingat niyang tanong. Nung lumaon, siya ang naging kakampi ko ngayon. Napatingin ako sa bintana ng clinic. Sa labas, kita ang traffic, as usual naman. Normal na bagay sa Pilipinas.Pero ako? Parang nasa ibang mundo.“I’m waiting,” sagot ko. “For the right timing.” at parang nakinig ang mundo.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang notification.Villareal Su
Mula sa nangyari kagabi, naisipan kong magpahinga muna ngayon dahil ayaw ko namang may mangyari sa anak ko. Dapat maging aware na ako lalo na buntis ako at hindi lang ako ang nabubuhay ngayon, kundi dalawa na kami. Matapos kong makausap si Senior kagabi, may mga bagay akong gustong ipaulit-ulit sa sarili ko, na hindi mali ang ginagawa ko. Hindi ko na nga namalayan na ang pahinga ko ay matagal-tagal, siguro ganito epekto sa akin ng pregnancy, antukin kaya nagising ako hapon na at nag empake na agad ako, naabutan pa ako ng dilim dahil gabi na. Tinitigan ko ang mga kamay ko.Namumula pa rin, mula sa stress, sa injections, sa lahat ng pinagdaanan ko.Huminga ako nang malalim.“Of course,” bulong ko sa sarili ko. “From now on… I’ll live for myself.” hindi na para sa kanila.Hindi na para kay Adriano, hindi na para sa pamilyang paulit-ulit akong dinurog at pinaramdam na hindi ako karapat-dapat sa Villareal. “I want to pursue my dreams again.” sambit ko pa sa sarili ko. Parang ang tagal
May malamig na kislap sa mga mata ko habang nakatitig ako kay Doña Veridiana. Hindi na ako ‘yung dati niyang manugang na tahimik lang na tumatanggap ng lahat.“Hindi lahat ng mga bagay na gusto mong gawin ay malaya mong gagawin basta-basta sa akin, maliwanag?” kalmado kong sinabi sa mukha niya. “Anong—” naputol ang sasabihin niya, halatang hindi niya in-expect na lalaban ako.Itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako ngunit biglang may malakas na pwersang tumulak sa akin.Napaatras ako.“Seraphina, anong ginagawa mo?!” matinis na sigaw ni Ara, kababatang kapatid ni Adriano, kita mo ang mukha niyang puno ng galit. “This is the Villareal family! Ano, gusto mong mag-rebelde? Sasaktan mo si Mama?! Ang kapal naman ng mukha mo!”Halos mawalan ako ng balanse. Pakiramdam ko mahuhulog ako sa sahig na marmol ng living room, malamig, makintab, parang repleksyon ng pamilyang ‘to.Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng may braso na sumalo sa likod ko.“Adriano?” patanong na tawag ko sa k












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.