Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta kay Matteo. Nakamasid lang siya sa akin habang papalapit ako, ang mga mata niyang kulay abo ay tila nagdidilim sa pananabik. Pagdating ko sa harapan niya, hinawakan niya agad ang bewang ko at marahang hinila palapit sa kanya.“Halika rito, mahal ko,” bulong niya bago ako hinalikan nang mabagal ngunit puno ng damdamin.Ang halik niyang iyon ay sapat na para muling mawala ang lahat ng iniisip ko. Kanina lang ay mabigat pa ang dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Mr. Ramirez, pero sa bawat haplos ni Matteo, tila unti-unting nawawala ang sakit at galit na nararamdaman ko.Dahan-dahan niyang iniangat ang laylayan ng bestida ko habang patuloy ang maliliit na halik sa labi at leeg ko. Ramdam ko ang init ng mga palad niyang dumadampi sa balat ko, dahilan para mapapikit ako at map
Mehr lesen