Noong Biyernes, sumakay sina Elisse, Paula, at maliit na si Clarc Mathew sa isang flight papuntang probinsiya. Paglapag pa lamang nila sa airport ay naghihintay na ang driver ng pamilya ni Paula. Mainit ang pagtanggap nito at agad silang tinulungan sa mga gamit.Habang nasa biyahe, tahimik na nakatanaw si Elisse sa bintana ng sasakyan. Unti-unting napapalitan ng mga gusali at matataong kalsada ng Makati ang malalawak na bukirin, puno ng niyog, at malamig na simoy ng hangin ng probinsiya. Pakiramdam niya ay unti-unting lumuluwag ang bigat sa dibdib na ilang linggo niyang dala.“Namiss mo talaga dito, ‘no?” tanong ni Paula habang nakangiti.“Sobra,” mahina ngunit masayang sagot ni Elisse. “Parang kailangan ko talaga ng pahinga.”Nang makarating sila sa hacienda ng pamilya ni Paula ay agad siyang nagpaalam.“Bukas pupunta ako dito para kamustahin kayo,” sabi ni Paula habang yumayakap kay Elisse.
Read more