Nagising ang grupo kinaumagahan dahil sa mabangong amoy ng bagong timplang kape at mainit na pandesal na kumakalat sa buong apartment. Si Lygia ay abalang nag-aayos ng mesa sa dining area, punong-puno ng mga prutas, itlog, bacon, keso, at iba't ibang palaman para sa tinapay. Halatang pinaghandaan talaga nito ang kanilang almusal.Nagkalat pa rin ang mga kutson at unan sa sala kung saan natulog sina Elisse, Paula, Samantha, Taís, at Virginia matapos ang masayang “girls’ night” nila. Kahit medyo masakit ang katawan dahil sa pagtulog sa sahig, hindi mabubura sa mga mukha nila ang saya mula sa magdamag na kuwentuhan at tawanan.Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Elisse at mabilis na tumakbo palabas si Clarc Mathew.— Mommy! Gising na kayo! — masayang sigaw ng bata habang tumatalon sa m
Read more