Isabelle POVAlas-otso ng gabi, pero parang tanghali sa tindi ng mga spotlight sa labas ng Grand Ballroom. Ito ang gabi ng Madrigal Group Annual Gala, at sa pagkakataong ito, hindi ako nakasuot ng apron o simpleng pambahay. Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa dressing room, tinitingnan ang babaeng hindi ko na halos makilala.Ang suot kong deep red silk gown ay yakap na yakap ang bawat kurba ng katawan ko. Backless ito, sapat lang para ipakita ang balat kong inalagaan ni Claire ng kung anu-anong lotion nitong mga nakaraang araw. Ang buhok ko ay naka-sleek bun, at ang tanging alahas ko ay ang maliit na diamond studs na bigay ni Rajah.“Isabelle, stop staring at yourself. Baka matunaw ‘yung salamin,” biro ni Claire habang inaayos ang huling layer ng lipstick ko. “You look dangerous. Like, literally, makakapatay ka ng pride ni Justin sa itsura mo ngayon.”“Kinakabahan ako, Claire. Ang daming press sa labas,” sabi ko habang nilalaro ang silver clutch bag ko.“Hayaan mo sila. That’
閱讀更多