Isabelle POV Bitbit ko ang aking bagong hard hat habang naglalakad sa gitna ng main driveway ng resort. Ngayong araw, ang focus namin ay ang landscaping. Pagod na ang mga mata ko sa kakaharap sa bakal, semento, at salamin, kaya laking ginhawa na makita ang mga truck na puno ng mga pocket trees, bermuda grass, at iba’t ibang klase ng ornamental plants. “Architect, dito raw po ba sa tapat ng entrance ibababa ‘yung mga tall palms?” tanong ni Leo. May hawak siyang mahabang listahan at tinutulungan ang mga gardener na mag-unload. “Oo, Leo. Pero make sure na hindi nila matatamaan ‘yung underground water line. Check niyo ‘yung markings na inilagay ko kahapon,” bilin ko. Lumapit ako sa isang malaking balumbon ng bermuda grass at hinawakan ito. Malamig at basa pa ang lupa nito, halatang kakahukay lang bago dinala rito. Nakaka-relax sa mata ang kulay berde sa gitna ng brownish na kulay ng construction site. “Isabelle, look at this,” tawag ni Rajah mula sa gilid ng clubhouse. Naglakad
閱讀更多