Isabelle POV Maingay ang paligid ng site office dahil sa tunog ng mga generator at ang mga trabahador na naghahanda para sa shift nila. Pero sa loob ng aking maliit na workspace, tanging ang tunog ng ceiling fan ang naririnig. Nakatitig ako sa aking laptop, nire-review ang huling set ng structural plans bago namin ito i-submit sa board sa Manila bukas. “Architect, kape?” alok ni Claire habang inilalapag ang isang paper cup sa tabi ng mousepad ko. “Mukhang kanina ka pa hindi kumukurap diyan.” “Salamat, Claire. Kailangan lang talagang pulido ‘to. Alam mo naman si Alfonso, baka pati font size ng notes ko ay kwestyunin niya,” sagot ko, sabay higop sa mainit na kape. “Hayaan mo ‘yun. Inggit lang ‘yun kasi mas sikat na ang design mo kaysa sa mga luma niyang projects,” biro ni Claire. Naupo siya sa dulo ng lamesa ko. “Nga pala, nakita mo ba si Sir Rajah? Kanina pa siya nasa labas, kausap ‘yung security team.” “Bakit daw? May problema ba?” tanong ko, agad na nakaramdam ng kaba. “Hindi k
閱讀更多