Isabelle POV Maaga pa lang ay ramdam na ang tensyon sa buong site. Imbes na tunog ng martilyo at mga hiyawan ng mga trabahador, isang kakaibang katahimikan ang bumabalot sa Phase 3. Dahil sa suspension notice kagabi, lahat ay naka-abang. Nakasuot ako ng puting polo shirt, jeans, at ang aking pirmihang hard hat. Hawak ko ang makapal na folder na naglalaman ng lahat ng permits, habang si Claire naman ay abala sa pag-aayos ng mga printed photos na kinuha namin kahapon. “Architect, parating na po sila. Tatlong puting pick-up, may logo ng provincial capitol at DENR,” balita ni Leo sa radyo. “Copy, Leo. Papuntahin mo sila dumeretso sa staging area. Claire, ‘yung kape at tubig paki-ready na sa conference table,” utos ko bago lumabas ng site office. Sinalubong ko si Rajah sa labas. Mukhang seryoso siya, naka-shade at seryosong nakikipag-usap sa phone. Pagkakita niya sa akin, ibinaba niya ang tawag at tumayo sa tabi ko. “Atty. Guevarra is on his way. Male-late lang siya ng konti dahil gal
閱讀更多