Isabelle POV Nakaharap kaming lahat sa monitor sa loob ng site office. Kahit hatinggabi na, wala ni isa sa amin ang gustong matulog. Ang lamesa ay puno ng mga empty coffee cups at mga nakabuklat na blue prints. Sa screen, ka-video call ni Rajah ang legal team niya mula sa Manila. "Atty. Guevarra, sigurado ba tayo na walang basehan 'yung claim nila? Sabi nung abogado kanina, may hawak silang lumang dokumento ng ancestral domain," tanong ko, hindi mapakali habang nakaupo sa tabi ni Rajah. "Isabelle, those claims are often used to stall projects. Chineck na namin ang land registration records nung binili ni Sir Rajah ang property na 'to. It’s clean. 'Yung sinasabi nilang ancestral domain, lumampas na 'yun sa zoning limit ng shoreline," paliwanag ni Atty. Guevarra mula sa screen. "What Justin is doing is harassment. Pure and simple." "Pero may halt order sila, 'di ba? Paano 'yung trabaho bukas?" sabat ni Leo na kanina pa pabalik-balik sa tapat ng pintuan. "Hindi order 'yun, Leo. Noti
閱讀更多