Isabelle POV Maaga pa lang ay ramdam na ang tensyon sa Phase 3. Hindi ito ang tensyon ng construction na nakasanayan ko, kundi ang kaba ng pagtanggap ng mga unang tao na susubok sa Cabin 1. Kahit hindi pa ito ang grand launch, nag-decide si Rajah na magkaroon ng "soft opening" para sa ilang piling guests at board members. "Architect, 'yung toiletries sa banyo, naka-set up na po. 'Yung mga bamboo toothbrush at charcoal soap na galing sa local supplier, naka-display na," ulat ni Claire habang hinihingal na umaakyat sa deck. "Salamat, Claire. 'Yung mga towels? Siguraduhin mong malambot at walang himulmol. Ayokong magmukhang hamak 'yung ganda ng slate flooring natin dahil lang sa pangit na tuwalya," bilin ko habang tinitignan ang repleksyon ng mga puno sa bagong linis na glass walls. "Opo, double check na po 'yun ni Housekeeping. Architect, si Sir Rajah pala, nandoon sa baba, kinakausap 'yung mga unang darating. Parang ang aga yata nila?" sabi ni Claire sabay turo sa direksyon ng kals
اقرأ المزيد