Isabelle POV Medyo malamig pa ang simoy ng hangin nang lumabas ako sa balcony ng villa ko. May bakas pa ng ambon sa mga dahon ng niyog sa paligid. Sabado ngayon, at kahit sinabihan ako ni Rajah na magpahinga muna dahil wala namang pasok ang karamihan sa mga trabahador, hindi ko pa rin mapigilang magising nang maaga. Nakasanayan na ng katawan ko ang schedule sa site. Bitbit ang kape ko, naupo ako sa outdoor chair at binuksan ang laptop. Isang notification mula sa Starry app ang lumabas—isang mensahe mula sa isa sa mga readers ko na nagtatanong kung kailan ang update ng sinusulat kong story. Napangiti ako. Minsan, nakakalimutan kong bukod sa pagiging Architect, isa rin pala akong manunulat sa mata ng ibang tao. “Ang aga naman ng trabaho niyan.” Napalingon ako sa gilid. Si Rajah, nakatayo sa pathway sa baba ng balcony ko. Naka-jogging pants siya at hoodie, mukhang kakatapos lang tumakbo. Pawis na pawis siya pero fresh pa rin tignan. “Hindi naman work ‘to. Chini-check ko lang ‘yung u
閱讀更多