Pagdating nila ng bahay ni Stef. Inalalayan ni Carl si Stef. Nagkagulatan pa nga silang dalawa ni Carl at Lance. "Mr. Johnson???" gulat na wika ni Lance ng makita si Carl sa bahay ni Stef. "Mr. Sandoval??" nagulat rin na wika ni Carl. Nagpalipat lipat ng tingin si Lance sa dalawa hanggang sa maiupo niya si Stef. "Ok ka na ba?" tanong ni Carl. "Oo, makaka alis ka na." wika ni Stef. "Huh!" "Salamat sa tulong mo Mr. Johnson." formal na wika ni Stef bagay na ipinagtaka ni Carl. "Stef, ok ka lang ba?" ulit ni Carl. "Oo, maayos ako." aniya. "Akala ko ba mag-uusap pa tayo at ipapakilala mo pa sa akin si--" natigilan si Carl ng patahimikin siya ni Stef Sa totoo lang hindi pa siya ready na malaman ni Lance ang connection nilang dalawa. Hindi pa sa ngayon dahil alam niya magugulo ang partnership ng dalawa. Kailangan niyang unti-untiin muna. "Ok, some other time na lang. Pero, let me give my gifts to Carlos." wika niya. Tumango lang si Stef. Naglakad na palabas s
Read more