May mga lugar—na namamatay nang dahan-dahan.Hindi sa isang pagsabog.Hindi sa sunog.Kundi sa paglimot.Kapag tumigil ang negosyo.Kapag umalis ang tao.Kapag ang dating ingay ng trabaho—napalitan ng hangin at kalawang.Pero ang mga abandonadong lugar—paborito ng mga lihim.Walang usisero.Walang witness.Walang nagbibilang kung sino ang pumasok—o kung sino ang hindi na lumabas.At sa lungsod na marunong magtago—ang pantalan ang isa sa pinakamagaling magsinungaling.Harbor DistrictMaaga pa pero kulay abo na ang langit.Mabigat ang ulap.Amoy alat, diesel, at lumang kahoy.Rows of rusted containers.Cracked asphalt.Warehouses na kalahati sira, kalahati nakatayo sa pride.Seagulls screaming overhead.At sa pinakadulong pier—ang lumang customs storage block.Grid reference ng signal.Dalawang black SUVs ang huminto sa layo.Lumabas sina Vera, Mara, Rafael, at anim na field agents.Full tactical gear ang agents.Si Rafael naka-light vest lang.“Because apparently bruises are now
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-20 Mehr lesen