Maingay. Mausok. Nag-iinuman.Nanatiling gising si Ysabella hindi dahil doon kundi dahil sa planong gagawin. Ito na ang oras. Kung hindi siya makakatakas ngayon ay siguradong wala na siyang pagkakataon pa. Hinintay niya ang sandaling iyon dahil iyon na lang talaga ang paraan. Nasa loob lamang siya ng kuwarto at nakikiramdam. Nakikinig. Lihim na nagmamasid sa nangyayari sa labas. Puno ng enerhiya ang katawan niya. Sa araw na iyon, wala siyang ginawa kundi ang magpahinga. Dahil sa gabing iyon, kailangan niyang gising. Kailangan niyang magmatyag.May mga bayarang babae na dinala doon. Every last week of the month, ay nagpaparty ang mga tauhan ni Aling Elisse. Alak, sigarilyo, at babae. Kanina nga ay hiningi pa ng mga ito ang permiso niya dahil siya daw ay asawa ng may-ari. Um-oo lang siya. Bakit hindi, kasama lahat iyon sa plano niya hindi ba?Ngayon nga ay halos hating gabi na. Kanina ay sumasayaw ang mga babaeng halos wala ng saplot sa katawan. They entertained their customer well. Si
Magbasa pa