Malawak ang ngiti sa mga labi ni Ysabella pagkababa ng tricycle na sinakyan mula sa bayan. Kailangan niyang sumakay pa papunta sa baranggay kung saan siya nakahanap ng bahay at lupa na agad niyang binili. Maliit lamang ang bahay at lupa kaya sakto lamang iyon para sa kaniya. May natira pa para makapagsimula siya ng kahit munting negosyo na hindi pa niya napagdesisyunan. Ang mahalaga ay ang muli siyang makatayo sa sariling mga paa. Bagay na kay hirap gawin noon dahil sa anino ni Daniel sa buhay niya, maging ng mga taong nakapalibot dito. Huminga siya ng malalim. Panahon na para kalimutan niya ang nakaraan. Yakap niya ang vase na kinalalagakan ng abo ng kaniyang ina. Nagdesisyon siyang ipa-cremate ang mga buto ng ina para madali na lamang niyang madala ito sa kahit saan. At least kahit papaano ay kasama na niya ito. Abo man ito, ang alaala nito ay mananatiling lakas niya sa pagharap ng panibagong buhay. "Nandito na tayo, Miss," ika ng tricycle driver. Sumilip pa ito mula sa motor. M
อ่านเพิ่มเติม