Nanatiling mulat si Ysabella magdamag. Halos ayaw niyang matulog. Paano kung pasukin siya ni Daniel doon kahit pa ni lock niya ang pinto. Kilala niya ito. Nakagagawa ito ng paraan kapag ginusto nito.Kung may tulog man siya, mga dalawang oras lang iyon. Kaya sa umagang iyon ay hikab siya ng hikab. Kinatok siya ng katulong ni Daniel na si Aling Juvie kaya nagising siya."Misis, nakahanda na ang umagahan," sabi nito. Parang robot lang na inutusan. Nakaprogram ang gagawin.Hindi na siya nagmamatigas pa. Bumaba siya agad sa kaniyang kama at nagpunta sa banyo para maghanda ng sarili. Kagabi, para hindi makatulog ay nagawa niyang halungkatin ang buong kuwarto. Doon niya nakitang handa na ang mga kagamitan para sa kaniya. Mula sa mga simpleng damit hanggang sa ilang mga mamahalin na gowns.Gaya kagabi, walang Daniel sa hapag. Hindi niya ito nakita simula pa kahapon.."Nasa trabaho na siguro," sabi sa isip niya. Well, dahil wala ito ay puwede siyang maglibot sa buong bahay at sa paligid. Doo
Read more