Walang pinagbago ang mga sumunod na araw para kay Ysabella. Pero sa tuwina, si Granny Mira ay umiiwas sa kaniya. Minsan ay sinubukan niyang kausapin ito pero humarang si Lucy. Parang bantay na asong tumahol nang papalapit siya. Mukhang wala na talagang balak na pakinggan ng matanda ang anumang paliwanag galing sa kaniya."Katulong ka na rin dito, Ysabella. Kaya matuto kang lumugar!" Matapang na saad ni Lucy. Sa tingin nito, maliit siya at ito ang mas mataas. Sino ba ang hindi marunong lumugar? Si Lucy, makaasta ay parang ito ang namamahala sa mga katulong. Mag-utos na nga lang ang gawain nito palagi sa loob ng mansiyon. Porke kinaibigan ito ni Charlotte at asong buntot nang buntot.Hindi siya nagsalita pa o magreklamo man lang. Hinayaan ni Ysabella ang gustong gawin ng mga ito. Ginagawa niya ang kaniyang trabaho nang tahimik. Hindi siya umangal kahit pa sumosobra na ang mga ito. Hindi dahil takot siya kundi para kahit papaano, makita ni Daniel na sumusunod siya.Isang gabi, kumatok
Magbasa pa