Halos apat na oras ang naging flight nila papunta sa Korea. Ang destinasyon nila ay sa Seoul, ang puso ng lugar, kung saan ay naroon ang cheabol na si Jun Yo Lee na kikitain ni Daniel for business."Let's head up to the Courtyard hotel," utos ni Daniel sa sumundo sa kanila sa Airport. Tahimik lang na sumunod si Ysabella sa lalake."Kamsahamnida," ika niya sa koryanong driver na siyang tumulong sa kaniya sa mga bagahe nila. Napangiti ng maluwag ang driver na siyang ikinairita naman ni Daniel habang nakamasid sa dalawa. Nang makasakay na sila at papunta na sa hotel ay bumulong si Daniel kay Ysabella."Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-korean."Nagulat si Ysabella. Kailan pa naging interesado si Daniel sa kaniya? Nitong dalawang taon, alam niyang wala itong pakialam."Kaunti. Kakapanood ko ng Korean drama," sagot niya. Pero ang totoo, pinag-aralan din talaga niya ang Korean language. Gaya ng isang blogger na actress, minahal niya rin ang culture ng Korea at ang salita ng mga ito
Dernière mise à jour : 2026-05-13 Read More