Ang tunog ng pag-ikot ng kandado ay tila naging hudyat ng pagsabog ng isang bombang dalawang buwan nang nag-iipon ng pwersa. Sa loob ng malawak at marangyang silid ng mansyon, ang hangin ay naging mabigat, nakasasakal, at nag-aapoy sa matinding tensyon.Nakasalampak si Nayah sa malamig na sahig sa gilid ng dambuhalang kama, yakap-yakap ang sariling mga tuhod habang nanginginig ang buong katawan. Sa kanyang harapan, nakatayo ang Alkalde. Wala na ang *suit jacket* nito, gusot ang puting *dress shirt*, at ang mga kamao nito ay may bahid pa rin ng natuyong dugo ni Reynan.Ngunit ang pinakanakabibingi sa lahat ay ang nakamamatay na katahimikan ni Chance. Nakatitig lamang ito sa kanya, ang dibdib ay mabilis at malalim na umaangat-baba. Bawat paghinga ng lalaki ay tila isang asidong sumusunog sa distansya sa pagitan nilang dalawa."Dalawang buwan," mababa, paos, at garalgal na panimula ni Chance. Ang boses nito ay nagpapatayo ng balahibo sa ensaktong balanse ng sakit at poot. "Dalawang buwan
Magbasa pa