Ang mga sumunod na linggo sa loob ng malawak at mahigpit na binabantayang mansyon ng mga De La Serna ay tila naging isang mahaba, tahimik, at napakatamis na panaginip para kay Nayah. Matapos ang magugulong araw ng barilan, lagnat, at mga nakaw na sandali sa loob ng munisipyo, tila ba biglang huminto ang magulong pag-inog ng mundo. Sa loob ng nagtataasang pader ng estate, walang sindikato, walang pulitika, at walang madilim na nakaraan—ang tanging umiiral lamang ay silang dalawa at ang nag-aalab nilang pagmamahalan.Isang maaliwalas na Sabado ng umaga, nagising si Nayah dahil sa banayad na sikat ng araw na tumatagos mula sa malalaking salamin na bintana ng *master bedroom*. Ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa awang ng balkonahe ay may dalang amoy ng mga namumukadkad na bulaklak mula sa hardin at ang pamilyar na amoy ng barako coffee. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at agad na kinapa ang kabilang dulo ng malaking kama. Wala na si Chance. Ang tanging naiwan ay ang l
Magbasa pa