Tahimik sa loob ng underground safehouse, maliban sa boses na nagmumula sa secure two-way radio na hawak ni Aria. Nakaupo ang dalaga sa sofa, seryosong nakikipag-usap kay Inhinyero Enzo tungkol sa mga huling detalye ng layout ng opisina ni Hernan para sa kanilang gagawing operasyon bukas."Sigurado ka ba rito, Enzo? Baka may mga hidden cameras sa hallway na hindi mo napansin sa blueprint," nag-aalalang tanong ni Aria.*"Ininspeksyon ko na nang maayos kanina, Aria,"* sagot ng Inhinyero mula sa kabilang linya, ang boses ay kalmado at nagbibigay ng kasiguraduhan. *"Ligtas ang dadaanan natin. Huwag ka nang masyadong mag-alala, okay? Ako na ang bahala. Alam mo namang hindi kita papabayaan."*Napangiti si Aria sa narinig, gumaan ang kanyang pakiramdam dahil alam niyang may maaasahan siyang kaalyado sa loob ng kumpanya. "Salamat, Enzo. Malaking tulong talaga ito—"Bago pa man makatapos sa pagsasalita si Aria, isang malaki at mainit na kamay ang dumampot sa radyo mula sa kanyang hawak.Nakata
Last Updated : 2026-05-05 Read more