Hindi na ganoon ka-normal ang mga sumunod na araw. Hindi man halata, pero pareho pa rin silang pumapasok, nagtatrabaho, nakikipag-usap ng maayos. Ngunit hindi nila maikaila na mas nadagdagan lamang ang mga haka-haka patungkol sa kanila.Mas maraming tingin na tumatagal ng kaunti, mas maraming usapan na biglang napuputol kapag dumadaan siya sa hallway. Minsan, may naririnig siyang mahihinang bulong na hindi niya na kailangang intindihin para malaman kung tungkol saan. Isang beses, habang dumadaan siya sa hallway, may dalawang empleyado na biglang tumahimik. “Sila na ba talaga?” mahinang bulong ng isa, sapat lang para marinig niya. Hindi siya lumingon. Dumiretso lang siya, parang wala siyang narinig. Mas madali kung ganun. Bandang hapon, nasa pantry siya kasama si Jenna, hawak ang kape, pilit sinasabay ang sarili sa normal na usapan. “—tapos sabi niya hindi raw niya nakita yung e-mail,” kwento ni Jenna, mas mababa ang boses kaysa dati. “As in, hindi raw talaga.” Napatawa si Luna n
Terakhir Diperbarui : 2026-05-03 Baca selengkapnya