Hindi agad nakatulog si Luna nang gabing iyon. Paulit-ulit siyang nagpabaling-baling sa kama, hinila ang kumot pataas, saka ibinaba ulit, animo’y may hinahanap siyang posisyon na kayang patahimikin ang isip niya. Pero kahit anong gawin niya, bumabalik at bumabalik pa rin ang eksena nila ni sa kotse nito—yung sandaling sinabi niyang “okay,” yung paraan ng pagtitig ni Adrian, at yung katahimikan pagkatapos ng kanilang usapan, na mas mabigat pa kaysa sa kahit anong salita.Napabuntong-hininga siya at tuluyang tumitig sa kisame.“Ang galing mo, Luna,” bulong niya sa sarili, sabay irap kahit walang nakakakita. “Hindi ka nga sigurado, pumayag ka pa.”Pinikit niya ang mata niya, pero imbes na makatulog, mas lalo lang naging malinaw ang pakiramdam sa dibdib niya—hindi lang kaba, hindi lang pagduda… kundi may halong antisipasyon na ayaw niyang aminin.At ‘yon ang mas nakakainis.Kinabukasan, mas maaga siyang nagising kaysa sa dati. Hindi rin siya nagtagal sa kama. Bumangon siya na parang may
Read more