Pagpasok nila sa loob ay agad binuksan ni Adrian ang mga ilaw. Napansin agad ni Luna kung gaano kaayos ang lahat. Mula sa pagkaka-arrange ng sala set, hanggang sa mini chandelier na nasa gitna ng kisame. Walang kalat, walang ingay, malayo sa iniwan niyang mundo. “Ang tahimik,” sabi niya habang inililibot ang tingin sa buong paligid. Katulad lang din ito ng opisina ni Adrian. Minimalist. “Masasanay ka rin,” sagot ni Adrian. “Nasaan yung kwarto ko?” tanong niya. “Second door on the left,” sagot nito. “Okay.” Kinuha niya ang maleta at naglakad papunta sa hallway, pero napahinto siya at nilingon ang lalaki. “Ikaw?” “Last room.” Tumango siya. She heaved a sigh. Ang hirap naman kausap no’n, aniya sa isipan. Isang tanong, isang sagot.Pagpasok niya sa kwarto, huminto siya. Mas malaki iyon kaysa sa inaasahan niya. Malinis, maayos, pero parang hindi pa ginagamit. Itinabi niya sa sulok ang maleta at umupo sa kama. “Okay,” bulong niya, animo’y handa na sa kung anuman ang pwedeng man
Read more