Hindi agad nakagalaw si Luna matapos umalis si Mark. Para bang naiwan pa rin ang presensya nito sa hangin, kasama ang mga salitang pilit niyang tinatabunan pero hindi niya tuluyang maikubli. “Explain,” mababa ang boses ni Adrian, pero sapat para maramdaman niya ang bigat nito. Napalunok siya bago sumagot. “He’s my ex,” sabi niya, pilit pinapakalma ang sarili. “I heard,” sagot ni Adrian, hindi man lang kumukurap. “I’m asking about the part where he thinks he still matters.” Luna clenched her jaw. “He doesn’t.” “Didn’t sound like it,” balik nito agad. Napatingin siya rito, bahagyang nanginginig ang loob kahit pilit niyang tinatago. “Hindi mo pwedeng i-base ‘yan sa ilang minutong nakita mo.” “I don’t need minutes,” sagot ni Adrian, mas malamig. “People don’t look at someone like that unless there’s something unfinished.” Natahimik si Luna, at sa katahimikang iyon, masyadong maraming totoo. “You’re overstepping,” sabi niya sa wakas, pero hindi na kasing tapang ng dati. “And you’
Last Updated : 2026-04-01 Read more