Dahan-dahan akong bumaba sa marangyang hagdan habang ang laylayan ng aking gown ay tila sumasabay sa bawat masayang pintig ng puso ko. Hindi ko inalis ang tingin kay Alistair dahil sa bawat hakbang ko papalapit sa kaniya, tila nabubura ang lahat ng pait ng nakaraan ko. Ang panloloko ni Rafael, ang pagmamalupit ng pamilya ko, at ang takot na baka hindi na ako muling makabangon ay naglahong parang bula. Nang marating ko ang huling baitang, agad niyang kinuha ang kamay ko. Inilapit niya ito sa kaniyang mga labi at iginawad ang isang madiing halik. “You look breathtaking, Eve. Akala ko ay nananaginip lang ako,” pabulong niyang saad. Ang kaniyang baritonong boses ay tila musika na nagpakalma sa lahat ng natitira kong kaba. “Hindi ito panaginip, Ali. Totoo ito,” nakangiting sagot ko. “Tara na,” aya niya sa akin para makaalis na kami sa penthouse at sabay na tumungo sa napili naming simbahan. “Hindi ba dapat ay hindi pwedeng magkita ang ikakasal kapag araw ng kasal? Dapat magkikita lan
最後更新 : 2026-05-12 閱讀更多