“Ex-wife, Mom. Ex-wife ni Rafael,” madiing pagtatama ni Ali, ang kanyang boses ay naging malamig.“Ex-wife man o hindi, hindi ka dapat pumipili ng babaeng pinagsawaan na ng ibang lalaki,” mapang-alipustang aniya. Ang bawat salita niya ay tila sampal na nag-iwan ng hapdi sa aking pisngi.“That is enough, Mom,” may diing saway ni Ali sa kanyang ina.Hilaw lamang na natawa ang babae bago muling nag-ayos ng kanyang tayo. “Hindi ako makakapayag sa balak mong magpakasal, at sa babaeng ito pa? So many high-class women out there na naghahabol sa’yo—mga anak ng mayayaman at kilalang tao, tapos sa isang diborsiyada ka lang babagsak? Mag-isip ka naman, Ydrael!”Napatungo ako. Hindi ko na natiis ang pangmamaliit niya sa akin. Nakaramdam ako ng matinding hiya dahil sa isang aspeto na totoo ang kanyang mga sinasabi, na isa lamang akong hamak na babae. Hindi ako ipinanganak na mayaman, at hindi rin ako nakapagtapos ng pag-aaral.“Natiis ko pa noong pakisamahan si Violet noon, pero ito? Itong kapati
最後更新 : 2026-04-27 閱讀更多