Se connecterKung nakaabot ka rito. Maraming salamat sa pagbabasa 💜💛
THIRD PERSON “Aagawin ko siya mula kay Violet, pero uunahin ko muna na mabawi ang asawa ko,” may inis na saad ni Rafael sa kaniyang ina. “Wala ka nang asawa. Naghiwalay na kayo at ngayon ay may asawa na siyang iba,” pagtatama ni Yvette na siyang mas lalong nagpapakulo sa dugo ng anak. “Tumigil ka, Ma!” saway ni Rafael sabay lakas ng boses at panlilisik ng mga mata upang patahimikin ito. “Asawa ko siya. Asawa ko si Evorie at isang malaking kalokohan lamang na naghiwalay kami. Pinakasalan niya lang kunwari ang tiyuhin ko para pagselosin ako—at aaminin ko, nagtagumpay siya dahil mamatay-matay na ako sa sobrang selos!” “Kaya ngayon, pupuntahan ko siya para pauwiin na sa bahay natin,” nakangiting saad niya habang ang kaniyang mga magulang ay nakatitig sa kaniya nang may labis na pag-aalala. “Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Hindi ako baliw!” asik niya bago sila tinalikuran nang walang pasubali. Lumabas si Rafael ng kuwarto habang dinig pa rin niya ang malakas na pagtawag sa kani
THIRD PERSONTuluyan nang pumasok si Matthias at umupo para magpantay ang kanilang mga mukha. Inilapag nito ang isang mabigat na palad sa balikat ni Rafael, isang haplos na tila may nakatagong banta at matinding paalala sa kaniyang pagkalalaki.“Napakahina mo talaga, Rafael. Paano mo mapapantayan si Ydrael kung ganyan ka kahina.”“Hindi mo siya mahal, Rafael. Ilusyon mo lang na mahal mo ang babaeng iyon,” tuloy pa ni Matthias habang pilit na kinukumbinsi ang inaanak na hindi pag-ibig ang nagpapatakbo sa kaniyang sistema. Inis na inalis ni Rafael ang kamay nito mula sa kaniyang balikat dahil sa labis na pagkayamot.“Pagmamahal itong nararamdaman ko, ninong, at sigurado ako roon!” giit ni Rafael habang nanlilisik ang mga mata.Napailing si Matthias bago muling nagsalita nang may halong pangungutya. “Inggit at galit ang nakikita ko sa mga mata mo, Rafael, hindi pagmamahal. Galit at inggit ka sa uncle mo dahil nakuha niya na ang lahat ng baga
THIRD PERSONMarahan niyang naimulat ang kaniyang mga mata habang makailang ulit na pumipikit-pikit dahil nasisilaw siya sa liwanag na bumabalot sa buong silid. Nang tuluyan nang makapag-adjust ang kaniyang paningin ay agad siyang napatingin sa direksyon ng pintuan nang bumukas ito at inuluwa ang kaniyang ina.“Rafael!” agad na tawag ni Yvette sa kaniya habang mabilis na lumalapit bitbit ang isang puting supot na naglalaman ng mga prutas.“Anak, kumusta? May masakit ba sa 'yo? Tatawag ako ng doktor,” may pagkatarantang saad nito habang sinisipat ang kaniyang kalagayan sa ibabaw ng hospital bed.“N-No,” nanghihina pang sagot ni Rafael. Sinubukan niyang bumangon kaya agad siyang tinulungan ng kaniyang ina para makaupo nang maayos at masandal sa dulo ng kama.“Si E-Evorie... iyong asawa ko,” agad na tanong niya habang inililibot ang paningin sa bawat sulok ng private room. “Panaginip ko lang ba na dumalaw siya rito?” nakakunot-noong tanong n
YDRAEL ALISTAIR “Magsisimula na po ang ceremony. Nakahanda na sila sa labas,” pabulong na anunsyo ni Clara nang lumapit siya sa akin. Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at agad na inayos ang aking postura. Sa kabila ng pagiging kalmado ko sa labas, hindi ko pa rin maalis sa dibdib ko ang kaba. Alam kong masyadong mabilis ang kasalang ito, pero sa mundong ginagalawan ko, ang bawat segundo ay mahalaga. Si Grandma, bagaman malakas pa sa edad na walumpu’t apat, ay hindi na bumabata. Gusto ko na sa pagdating ng kaniyang ika-walumpu’t limang kaarawan ay may maibabalita na akong lubos na magpapasaya sa kaniya, at iyon ay ang marinig mula sa akin na magkakaroon na siya ng apo sa tuhod. Naglakad ako patungo sa altar habang nakaalalay sa akin si Clara. Suot ko ang maskara ng aking pagkabulag dahil ayaw kong may makahalata sa totoong kalagayan ko. “Magbantay kayong mabuti sa paligid dahil hindi ako papayag na mabulilyaso ang mahalagang araw na ito. At isa pa, kung magkaroon man ng kagulu
Dahan-dahan akong bumaba sa marangyang hagdan habang ang laylayan ng aking gown ay tila sumasabay sa bawat masayang pintig ng puso ko. Hindi ko inalis ang tingin kay Alistair dahil sa bawat hakbang ko papalapit sa kaniya, tila nabubura ang lahat ng pait ng nakaraan ko. Ang panloloko ni Rafael, ang pagmamalupit ng pamilya ko, at ang takot na baka hindi na ako muling makabangon ay naglahong parang bula. Nang marating ko ang huling baitang, agad niyang kinuha ang kamay ko. Inilapit niya ito sa kaniyang mga labi at iginawad ang isang madiing halik. “You look breathtaking, Eve. Akala ko ay nananaginip lang ako,” pabulong niyang saad. Ang kaniyang baritonong boses ay tila musika na nagpakalma sa lahat ng natitira kong kaba. “Hindi ito panaginip, Ali. Totoo ito,” nakangiting sagot ko. “Tara na,” aya niya sa akin para makaalis na kami sa penthouse at sabay na tumungo sa napili naming simbahan. “Hindi ba dapat ay hindi pwedeng magkita ang ikakasal kapag araw ng kasal? Dapat magkikita lan
EVORIE EVENakatanggap ako ng tawag mula kay Violet habang nakaharap ako sa salamin at tinititigan ang aking sarili. Nakaayos na ako para sa pinakahihintay na sandaling ito. Suot ang isang minimalist pero napakarangyang off-shoulder silk wedding dress na sadyang bumabagtas sa bawat kurba ng aking katawan.Ang buhok ko ay naka-ayos sa isang eleganteng French chignon at ang tanging hiyas na suot ko ay ang dyamanteng singsing na ibinigay ni Alistair at ng kaniyang lola na si Sarah.Ito na ang araw na pinapangarap ko pero tila may mga asungot talagang pilit na sumisira sa ganda ng mood ko ngayon.“Ano na naman ang kailangan mo, Violet?” bungad ko nang sagutin ko ang tawag. Hindi ko man lang tinangkang baguhin ang blangkong ekspresyon ng aking mukha sa salamin.“Huwag mong ituloy ang kasal, Evorie!” halos mag-hysterical na sigaw ni Violet sa kabilang linya. “Kapag naging asawa mo si Alistair, hinding-hindi mo na makikita si Ginger! Hawak ko ang bata at alam mo kung ano ang kaya kong gawin







