Evorie Eve“Pera lang ang habol ng babaeng iyan!” singit naman ni Violet. Umalingawngaw ang kanyang boses sa bulwagan, halatang hindi na siya nakapagpigil sa seryosong usapan namin.“Isa siyang manggagamit at mukhang pera,” tuloy pa niya, sabay tinitigan ako nang may talim sa mga mata.Ayan na naman siya sa bulok na linyang iyan.“Yeah, tama kayo ng dinig. Isa siyang manggamit. Pera lang ang habol ng kapatid ko kay Ydrael. Palabas niya lang na pinagtaksilan namin siya ni Rafael para hindi siya mahirapan na makipagdiborsyo. Kilala ko siya dahil kapatid ko siya. At kahit kapatid ko siya ay hindi ko kayang i-tolerate ang kanyang pagkamakasarili,” akusa niya sa akin sa harap ng lahat.Napahigpit ang pagkakatikom ng kamao ko.“Ang kapal talaga ng mukha mong sabihin iyan,” saad ko, double-double ang effort na pigilan ang sarili ko na sumabog. Hilaw naman siyang natawa. “Bakit naman naming gagawin ni Rafael ang magtaksil sa iyo, Evorie? Mahal kita bilang kapatid kahit hindi naman talaga kap
最後更新 : 2026-05-03 閱讀更多