YDRAEL ALISTAIR “Ayos ka lang, Ali?” Napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang banayad na boses ni Evorie. “Kailangan mo nang umuwi, Eve. Baka hinahanap ka na ni Ginger,” kalmado kong wika sa kaniya bago ako dahan-dahang napatayo. Inilapit ko ang aking mukha sa kinaroroonan ni Marco na seryosong naghihintay sa gilid. “Marco, ihatid mo muna ang asawa ko. Si Reagan na lang muna ang maiiwan kasama ko rito.” Napatango naman si Marco bilang pagtugon. “Pasensya na, Eve. Dito muna ako matutulog ngayong gabi,” paumanhin ko sa aking asawa. Isang matamis na ngiti ang ipinasilay niya sa akin bago siya tuluyang napatayong bitbit ang kaniyang bag. “Sige. Maiwan na kita rito, Ali. Pupuntahan na lang kita bukas,” aniya sabay panandaliang hinaplos ang kamay ko. Iyong haplos na tila ba nag-iwan ng init na gusto kong manatili sa aking balat. “Mag-iingat ka pag-uwi,” mahina kong dagdag bago ko mar
最後更新 : 2026-05-16 閱讀更多