Agad na hinanap ng aking paningin ang kasama kong mga bodyguard at nang makitang nasa gilid-gilid lamang sila, tahimik na nagbabantay, ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. “Sa hitsura niya parang gusto ka niyang kausapin,” wika ni Brittany habang nakatutok pa rin ang kaniyang paningin kay Rafael. “Halatang stressed na ang ex-husband mo. Tingnan mo nga ang itsura, gulong-gulo ang buhok, halatang pagod, at tila wala pang tulog,” tuloy pa niya. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkaawa sa kalagayan niya. Bakas ang gusot sa suot niyang damit at ang kaniyang mga mata ay puno ng lumbay habang nakatitig sa akin mula sa labas. Napatayo na ako mula sa kinauupuan ko. “Kakausapin ko lang siya,” ani ko. “Sige. Magpasama ka sa bodyguard mo. Baka ano pang gawin sa iyo ng taong iyan dahil mukhang wala siya sa sarili,” pahabol niya. Malimit akong napangiti sa kaniya at marahan na napatango bilang pagsang-ayon. Nakasunod sa aki
最後更新 : 2026-05-07 閱讀更多