River POVKahapon, maghapon nasa kuwarto si Janessa. Hindi ko nga halos nakikita kung anong ginagawa niya. Gustong-gusto ko siyang pasukin o puntahan, kaya lang, masyadong mainit ang mata sa mga staff itong magkakapatid ng montemayor. Walang mabait, lahat masungit, lahat nakasigaw at halos alipin ang tingin sa lahat ng mga tauhan nila. Sabagay, sa laki ng pasahod dito, pagtitiisan mo na lang din talaga ang pagiging masungit nila, kasi mabubuhay ka talaga. Akong security guard nga ay halos dalawang libong piso ang sahod kada-araw, kaya sobrang laki talaga. Pero hindi naman pera ang habol ko rito o trabaho, nandito ako para gabayan, tignan, bantayan, at tulungan si Janessa sa oras na may mangyaring hindi maganda sa kaniya.“River, pasuyo naman ng mga ito,” utos ng kapwa ko security guard na si Mang Domeng. “Paki-pasok sa loob,” sabi pa niya, habang inaabot ang halos limang malalaking parcel.“Kanino po ito?” tanong ko.“Kay Ma’am Zara lahat,” sagot niya.Ito ang unang beses na makakalap
Last Updated : 2026-05-19 Read more