Janessa POV“Hinto niyo po muna saglit ang kotse, Mang Carding,” sabi ko sa driver na rin dati ng kakambal kong si Atalia.“Okay po, Ma’am,” mabilis nitong sagot. “Ayan na po, naitabi ko na po.”“Mang Carding, itong security guard ng mansion na kasama natin ngayon ay kakampi natin. Hindi lang siya isang simpleng security guard doon, boyfriend ko rin po siya,” pag-aamin ko sa kaniya, kaya nagulat pa si River. Siyempre, ganoon din si Mang Carding.“Okay po, Ma’am Atalia, noted po,” sagot nito ng mabilis sa akin. Kahit kami ang magkakasama ay Atalia pa rin ang tawag niya sa akin. Alam na rin kasi ni Mang Carding na kakambal ako ni Atalia at nagpapanggap lang ako na Atalia. Silang dalawa kasi ni Yaya Mila ang kakampi namin ni Nolan.“Sige, puwede na ulit tayong tumuloy sa pagpunta sa ospital,” sabi ko sa kaniya.Today, papunta kami sa ospital para bisitahin si Vanessa. Isa pa, need ko na rin makausap si Nolan para makuwento ko na sa kaniya ang mga nagawa ko na.Mabilis lang ang biyahe, pa
Last Updated : 2026-05-21 Read more