Zara POVHindi ko na alam kung pang-ilang beses kong pinanood ang video sa cellphone ko. Nakita ko lang ito sa social media. Kumalat, pero bago pa mapa-down ni Atalia ay na-download ko na.Sa totoo lang, sa bawat ulit ko sa panunuod nung video, mas lalo lang akong nilalamon ng takot.Oo, mas nananaig ang tako kaysa galit. Mas nananaig ang takot kaysa inis.Purong takot, oo, nakakatakot talaga. Sa dami nang kasalanang ginawa namin sa kaniya, heto, napilitan na siyang magpalakas, magpakagaling at maging matapang para sa muling pagbalik niya sa amin, hindi na namin siya kayang saktan, pagtawanan at lalong hindi na kayang patayin.Mahigpit kong hawak ang cellphone habang naglalakad papasok sa private recovery room kung saan nagpapagaling sina Damon at Fenrir. Oo, nakalabas na ako sa condo ko. Pero maingat na paglabas ang ginawa ko. Minasdan kong mabuti ang lahat ng paligid ng condo ko, natatakot na baka bigla na lang may lumabas na mga tauhan ni Atalia, pero mabuti na lang at wala, kaya l
Last Updated : 2026-06-02 Read more