Janessa POVPagkababa ko pa lang sa magarang sasakyan ni Nolan, pakiramdam ko ay parang princessa ako. Ang dami niyang tauhan na sumalubong sa amin. Para bang safe na safe ako. Pagpasok namin sa building na iyon, nagyuko ang mga staff, hindi sila totally nakatingin sa amin pero nakayuko lang sila na para bang hari at reyna kaming naglalakad sa gitna nila. Ibig sabihin, ganito ang trato nila sa kakambal ko?Sumakay kami ng elevator, then saka niya ako hinatid sa mismong pinto ng condo ni Vanessa. Binigay niya rin sa akin ang passcode ng pinto.“So, dito ka muna, Janessa. Tumawag ka lang kung may kailangan ka,” sabi niya matapos akong ihatid doon.Umalis na rin siya agad, kaya humarap na ako sa pinto. Pagpasok ko sa loob, parang napako ako sa kinatatayuan ko.Pagpasok ko pa lang, agad akong sinalubong ng isang napakalawak na sala. Hindi ito ‘yung tipong sala lang na may sofa at mga anik-anik. Dito kasi ay parang showroom ng isang high-end na magazine. Malapad ang espasyo, halos doble ng
Last Updated : 2026-05-03 Read more