River POVHindi ko aakalaing ang sarap palang gumamit ng baril, patalim at kung ano-ano pang sandata. Sa loob ng isang buwan, putcha, ganoon lang kabilis kaming natuto.Si Donato, masaya sa martial art na pinagtuunan niya ng husto para gumaling sa pakikipaglaban.Si Anatascio, sa patalim nag-focus.Si Marcelo naman ay sa pag-aaral din ng baril nag-focus.Si Amayah, Liorah, Mikyla, halos lahat pinag-aralang mabuti. Kung titignan ko sila ngayon sa training, parang si Janessa na rin. Malalakas, mabibilis at kahit anong sandata o armas pa ang gamitin, kayang-kaya na nilang gamitin.Pero sa aming lahat, si Vanessa o Atalia ang hindi nagbibiro. Parang assassin bigla. From mahinhin na akala mo ay hindi kayang manakit ng tao, aba, biglang naging mabagsik. Nung mabalitaan niya kahapon kay Yaya Mila na sinapak at muntikan ng mapatay ni Vrix si Janessa, sinuntok niya ‘yung salamin ng kuwarto niya sa sobrang galit. Ayon, nagpatawag agad ng doctor sina Madam Celestine, pero parang balewala kay Ata
Last Updated : 2026-06-08 Read more