Janessa POVPumasok na sa loob sina Chester at Katrina. Pagkakita nila kay Mikoella na duguan sa basag niyang lamesang babasagin ay nagulat sila.“Oh, my God, anong nangyari?” tanong agad ni Katrina.“Pinikon agad ako, e, hindi ako nakapagtimpi. Saka, hindi raw siya natatakot sa akin, kaya sinampulan ko,” sagot ko sa kaniya.Tinignan ako ni Chester habang gulat na gulat. “Seryoso, Miss Atalia, ikaw ang may gawa niyan sa kaniya?” tanong pa ni Chester.“Sino pa ba ang kasama niya rito, e wala naman ‘di ba? Kami lang ang magkasama. Alam mo namang ginawa niya ‘yan sa sarili niya?”“Chester, Katrina, tulungan niyo ako, please, papatayin ako ni Atalia,” pagmamakaawa ni Mikoella habang naiiyak.Napoot na naman ako. Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya binuhat. “Sinabi nang bilisan mo, e. may shooting pa tayo!” sigaw ko sa kaniya at saka ko binilisan ang pagtannggal ng bubog sa katawan niya.“Aray, aray, aray! Dahan-dahan, Atalia!” naiiyak at halos nakangiwi niyang sabi.Nung tignan ko sina
Baca selengkapnya