Janessa POVIsang taon na ang lumipas. Hindi ko namalayang ganoon na pala kabilis lumipas ang panahon. Kung iisipin ko ang lahat ng pinagdaanan namin noon, parang kahapon lang ang lahat.Ang kasal namin ni River, ang paglalakbay namin sa iba’t ibang bansa. Ang pagkuha namin sa kayamanan ni Vrix, ang pagbubuntis ko.At ngayon, may isang maliit na prinsesa na akong yakap-yakap tuwing gabi.Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak namin ni River. Napakaliit ng ilong niya, mapupungay ang mga mata, at kapag natutulog, para siyang maliit na anghel.Javera ang napili naming ipangalan sa kaniya. Parang pinaghalo lang ng name namin ni River.Ang saya maging magulang. Sa bawat paggising ko kasi tuwing umaga, pakiramdam ko ay mas lalo akong binibigyan ng dahilan para maging masaya sa buhay.Hindi lang para sa sarili ko, hindi lang para kay River, kundi para sa munting batang walang kamalay-malay na nakatingin sa amin bilang kanyang buong mundo.At sa loob ng isang taon, napakarami ring nagbag
Read more