Janessa POVIsang buwan ang lumipas mula nang magwakas ang madugong labanan na halos bumago sa buhay naming lahat. Lahat ng dating lampa, mahina at hindi kayang lumaban, natutong lumaban, natutong maging matapang at natutong gumamit ng iba’t ibang armas.Naging stressful man ang lahat ng pinagdaanan naming iyon, kahit pa paano naman ay may silbi rin dahil marami kaming natutunan.Higit sa lahat, kung darating man ulit ang malalaking problemang dumating sa buhay namin ay kayang-kaya na naming itong harapin.At ngayong araw, isa na namang panibagong yugto ang sisimulan namin. Oo, ngayong araw kasi ay house blessing na ng bahay namin ni River.Kaya naman maaga pa lang ay gising na ako. Nakatayo ako at nakanganga ako sa harap ng malaking floor-to-ceiling window sa ikalawang palapag habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Viejo Street.Napangiti ako bigla.Kung dati kasi ay pinakamaliit sa buong kalye ang bahay ni Tita Merbella, ngayon, ang bahay na ito na ang pinaka-malaki sa buong street ng
Read more