Janessa POVNang maramdaman kong unti-unting bumagal ang eroplano, agad akong sumilip sa bintana.Halos mapasinghap ako dahil nakakaloka ang puro puting nakikita ko. Ang mga runway, bubong ng mga gusali, at mga puno ay nababalutan ng makapal na snow.Sa sobrang ita ko, hindi ko na mapigilang mapangiti ng husto.“River,” agad kong tawag sa kaniya. “Lumapag na pala tayo,” dagdag ko pa.Lumapit din siya sa bintana. Nanlaki ang mga mata niya. “Ay, hala, grabe, nag-snow pala ngayon dito sa Korea.”Napatingin naman ako kina Atalia at Nolan. Pareho lang silang nakangiti, na para bang normal na normal lang sa kanila ang tanawing iyon. Siguro ay matagal na silang nakakarating sa ganitong kagandang bansa.Pagkabukas ng pinto ng eroplano ay agad naming naramdaman ang malamig na hangin na pumasok sa cabin. Pero iba ang pakiramdam nang tuluyan kaming makababa.“Ahhh, ang lamig, nakakaloka!”Pakiramdam ko ay agad namanhid ang ilong at mga pisngi ko. Humalo pa ang mahihinang patak ng niyebe sa hangi
Read more