Jalipa POVNapakasarap sa pakiramdam na mag-aral ng walang nanggugulo, walang siraulo, at walang bully. For the first time, sa hinaba-haba ng panahon na ginawa ng tadhana sa akin na puro problema, pambu-bully ay sa wakas, nakaranas din ako ng isang buong araw na walang aberya.Tahimik akong naglalakad habang nakasunod sa tatlo kong bodyguard. Sumakay na ako sa sasakyan kong naghihintay sa tapat ng campus. Katabi ko ang isa sa kanila, habang ang dalawa naman ay nasa unahan kasama ang driver.Nagtataka nga lang ako dahil hindi naman nagpasukan ang mga siraulong iyon sa room namin, maghapon silang wala, nagpakita lang nung umaga, then wala na, ni isa sa anino nila ay wala an akong nakita. Mukhang nung umagang din iyon ay nag-uwian na sila o baka may pinaplano na agad sa akin dahil sa nangyari kanina.Subukan lang nila, sa lalaki nitong mga bodyguard ko, mababalian lang sila ng buto.Napatitig ako sa bintana habang paalis na kami sa school.Habang umiinom ng iced coffee, nakangiti akong n
続きを読む