Jalipa POVGusto ko na sanang umalis na matapos kong ipasa sa phone ko ang video na iyon pero bigla niya akong tinawag.“Jalipa, food is ready.”Napalunok ako ng laway. Matapos kong nakawin ang video na iyon, talagang kakain pa ako?“O-Okay po!”Tumayo ako at inayos ang sarili ko bago naglakad papunta sa dining area.Pagdating ko roon, namilog agad ang mga mata ko.“L-Luh.” Halos bumagsak na naman ang panga ko. “Grabe na naman,” dagdag ko pa.Parang nasa isang luxury Korean restaurant ang pakiramdam ko naman ngayon. Sa gitna kasi ng napakahabang dining table ay may malaking hotpot na kumukulo. Sa magkabilang gilid naman nito ay may built-in grill na umiinit na.Mas lalo akong namangha nang makita ang mga nakahilera sa lamesa. May mga maninipis na hiwa ng premium beef, marinated pork, chicken fillet, lamb slices, malalaking hipon, scallops, salmon, squid, mussels. Pati iba’t ibang klase ng mushroom, gulay, noodles at dipping sauces ay kumpleto.May mga maliliit pang label ang bawat lal
Mehr lesen