Jalipa POVPagkalapag ni Kreg ng malaking kaserola sa gitna ng dining table, lalo akong na-excite matikman ang niluto niyang ulam. Umaalingasaw ang mabangong amoy ng sinigang ng baboy na talaga namang may kakaibang aroma.Hindi lang naman sinigang na baboy ang ulam namin. May pinirito ring dalagang bukid na isda, hotdog, tocino, at itlog para raw marami pa rin kaming ulam.“Ano, Jalipa, ready ka na bang matikman ang sinigang na strawberry, este sinigang na baboy ko?”nakangiting tanong ni Kreg sa akin.Nginisian ko siya nang tapunan ko ito nang tingin. “Game,” maikling sagot ko.Pero sa loob-loob ko, naku, bahala na. Huwag sana akong masuka talaga.Kasi naman, first time ko talagang kakain ng sinigang na may strawberry. Nasanay ako na ang strawberry ay pang-dessert lang talaga. Ang strawberry ay bagay lang sa mga maiinom na matamis, o matamis na palaman, ganoon.“Go, tikman mo na.”Kumuha muna ako ng kanin, pagkatapos ay nagsandok na rin ng sabaw. May isang piraso ng baboy, labanos,
Leer más