Jalipa POVKanina, narinig ko sina Ate Atalia at Kuya Nolan na pinag-uusapan kung kailan daw ako mag-aasawa. Ang sabi ni Ate Atalia ay ni boyfriend ay wala ako, kaya malabo. Narinig ko pang tinutukso ni Kuya Nolan si Rapha sa akin. Boto raw siya kay Rapha kasi mapagkakatiwalaan naman daw ito.Si Rapha naman, sumagot at sinabing kung gusto ko raw siya ay bakit hindi.Nahalikan ko lang kahapon, lumakas na ang loob. Na para bang bigla siyang nagka-feelings sa akin nung gawin ko iyon.Ang hindi nila alam, heto at malapit na akong ikasal. Naisip ko, ano kayang magiging reaction nila kapag nalaman ikakasal ako kay Uncle Kenji? Ikakasal ako sa tiyuhin ni Vesper?Siguradong ikakagulat nila iyon ng husto at unang-una si Ate Atalia sa hindi makakatanggap nun.Pero tulad nga ng plano ko, kailangan kong tumupad sa usapan.Nung bandang alas nuebe na ng gabi ay isa-isa nang nagsi-akyatan sa kani-kanilang kuwarto sina Ate Atalia, Kuya Nolan, at Rapha.Ako na lang ang naiwan sa sala, nakaupo sa sofa
อ่านเพิ่มเติม