Jalipa POVPagkatapos ng kasal, unti-unti na ulit lumabas ang mga staff na kanina pa nagtatago sa mga tent. Akala ko noong una, baka may malaking program pang susunod, pero wala kasi ayaw nga ni Kenjs ng maraming eksena at kaartehan pa.Ang meron ay, siyempre, pagkain. At hindi iyong mga pagkain na karaniwang nakikita sa sosyal na hotel o five-star restaurant. Ang mga pagkaing pina-ready kasi ni Kenjs ay pang-probinsya.At dahil buffet-style iyon, halos mapangiti ako nang makita ang mahabang lamesa na puno ng pagkain na bagay na bagay sa lugar namin ngayon.May mga chef na mismong nagluluto on the spot. May malaking kawa ng sinigang na baboy, may inihaw na liempo, inihaw na tilapia, chicken barbecue, ginataang kalabasa at sitaw, pinakbet, pritong talong, ensaladang kamatis at itlog na maalat, at siyempre, may malaking palayok ng kanin na para bang isang barangay ang papakainin.Napanganga si Mama Celestine.“Kenji, my God, ito ang gusto ko!”Siyempre, inaasahan ko na iyon. Aarangkada
Read more