Jalipa POVTuwang-tuwa sina Ate Atalia, Kuya Nolan at Rapha nang tuluyan ko na ngang mauwi si Mama Celestine.“Good job, mukhang natututo ka na rin talagang dumiskarte,” puri sa akin ni Rapha.“Very good, Jalipa,” sabi naman ni Ate Atalia.“Uy, Jalipa, seryoso ako ah. Boto ako kay Kenji. Kung magkakagusto ka sa isang lalaki, ganoon dapat ang tipo, okay?” paalala pa ni Mama Celestine.Napapailing na lang ako kasi hanggang dito, aba, ganoon pa rin ang sinasabi niya.“Bakit, pati ba kay Uncle Kenji ay nagkakagusto ka na rin? Paano na si Kreg? Paano na rin itong si Rapha?” panunukso naman bigla ni Kuya Nolan.Hindi na ako kumibo. Umalis na lang ako at umakyat muna sa kuwarto ko para paghandaan ang pagbalik sa villa ni Kenji.Pagpasok ko sa loob ng bedroom ko, napaupo ako sa kama. Bigla ko kasing naisip kung anong contract kaya ang hinanda niya?Ngayong araw, hindi ko alam kung anong pagbabago ang mangyayari sa buhay ko. Pero hindi ako magiging talkshit kay Kenji, hinding-hindi kasi aamini
อ่านเพิ่มเติม