Jalipa POVTatlong oras kaming nanatili ni Rapha sa lamay ni Kreg. Para na rin samahan sina Aira. Malaking sampal talaga kay Aira na kakakilala ko lang sa kanila ni Kreg, pero heto, mas ako pa ‘yung nandito kaysa kay Vriya.Eh, ano kung secret girlfriend siya? Hindi ba puwedeng ipalabas na lang niya na malapit na kaibigan si Kreg para makapunta naman siya rito at makasilip? Nasaan ang pagmamahal niya kay Kreg? Seryoso ba talaga siya kay Kreg?Maya maya ay lumapit si Aira. “Jalipa, tara, mag-merienda muna kayo ng kasama mo?” aya niya pero tumanggi ako.“Busog ako e, bago kami pumunta rito ay kumain kami sa bahay,” sagot ko sa kaniya. hindi naman kasi pagkain ang pinunta namin dito, pakikiramay.“Sige, kapag may kailangan ka, lapitan mo lang ako. Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita,” paalam niya, kaya tumango na lang ako.Tinignan ko ang katabi kong si Rapha. “Pati pinsan ay nakuha mo rin ang loob. Ang galing mo rin talagang makisama,” bulong niya.“Gutom ka ba, kung gutom ka, magtiis
Leer más