Jalipa POVBusy na sina Kuya Nolan at Kenjs sa pag-iihaw ng isda at pagluluto ng pugita. Habang si Rapha, nakaupo lang at pa-relax-relax lang.“Rapha, baka gusto mong tulungan ang mga boys,” sita ko sa kaniya.“Hayaan mo siya,”sagot naman agad sa akin ni Kenjs.“Bakit, hindi ba siya maalam sa pagluluto ng mga isda?” pagtataka ko.“Hindi, siya kasi ang nakahuli ng maraming isda kanina, kaya hayaan mo na lang siyang mamahinga ngayon,” sabi naman ni Kuya Nolan, kaya wala na akong masabi.“Well, magaling. Deserve naman pala talagang mamahinga ka,” sabi ko na lang kay Rapha, saka ko siya nginitian.“Thank you, Jalipa.”Medyo mainit na sa labas, kaya pumasok na ako sa loob. Nadatnan kong nakaupo sa sala si Aira, kaya nilapitan ko siya.“Ayos ka lang?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya agad sumagot. Tumingin siya sa bintana, kung saan nakaupo si Rapha. “May problema ba?” tanong ko pa ulit.“Buntis kasi ako at tatlong buwan na,” pag-aamin niya kaya nagulat ako.“Wow, congrats, Aira!” sabi ko ag
Read more